Thread Rating:
  • 0 Vote(s) - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5

Paano Ba Binago Ni God Ang Buhay Ko?

#1

Paano ba binago ni God ang buhay ko?

Noon, Kapag nagsisimba ako, magsimba lang dahil gusto ko lang. Lagi akong nagmumura , puro away nalang ang alam ko. Sinasagot ko parents ko. Inaaway ko kapatid ko kapag nandiyan siya naiinis ako, Basta walang kapayapaan ang buhay ko. Kung anong gusto kong gawin, gawin ko. Nahahawa ako sa masasamang ugali ng mga kaibigan ko kahit alam kong masama ginagawa ko. Tuwing linggo tinatamad akong pumunta ng church kasi alam kong boring. Ang bigat ng pakiramdam koo sa mga panahong un.

Pero isang araw, ung Nanay ko nagbabasa siya ng bible, nagsheshare din siya sakin about sa bible and then naiiyak ako kasi lahat ng ginagawa ko hindi pala maganda sa paningin ng diyos. Habang nagbabasa ako ng bible, umiiyak ako kasi nagsisisi ako sa mga ginagawa kong di maganda . Then humingi ako kay God ng kapatawaran sa mga ginawa ko. Kaso para sakin sobrang sama ko sa mga pinaggagawa ko. Bigla nalang akong ginising ni God. Parang sinasabi niya sakin It's time na para magbago ka. Dahil di pa huli ang lahat.
FIRST TIME KONG NARAMDAMAN LAHAT NG YUN, YUNG FEELING NA ANG GAAN GAAN LAHAT NG LOOB MO. KAPAG UNG PRESENCE TALAGA NI GOD UNG NASAYO MABABAGO KA NIYA INIIWASAN MO NA UNG MGA GINAGAWA MO NUN. THEN HINDI AKO MAKAPANIWALA NA FIRST TIME KONG NAG LEAD NG DEVOTION WITH MY FRIENDS. ANG SARAP SA PAKIRAMDAM NA MAGSHARE NG MGA SALITA NI GOD.
ANG DAMI KONG NATUTUNANG KABUTIHAN SIMULA NG NAGBAGO AKO .SOBRANG SAYA KO LANG. DAPAT HABANG MAY ORAS PA MAGBAGO NA TAYO DAHIL KAPAG DI PA NATIN TO SINIMULAN BAKA MAGSISI PA TAYO.
ALWAYS SEEK THE PRESENCE OF THE LORD.

Dahil sabe sa Bible- Galacia 6:9
"Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko."

Wag kang mapagod sa pag gawa ng kabutihan at gawin lang natin ito dahil pag dumating ang takdang panahon aanihin mo yung mga magagandang ginawa mo at talagang pag papalain ka ng ating Panginoong Hesus.

Mula kay: Lyzelle ann

[Image: Untitled.png]
Reply




Users browsing this thread: 1 Guest(s)