Thread Rating:
  • 0 Vote(s) - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5

Life Have Purpose

#1

Please take time to Read.

Hi po . My name is Jann.
I just want to share this testimony to all of you. Kung gaano ka dumi,kapangit at kasira ang buhay ko na kahit sino hindi gugustuhin maging ako.
By the age of 4/5. I was rape by my 2Step uncles. And also our kapit-bahay. Sa GMA kasi nagtatrabaho mommy ko, Product Assist. In short puro taping alis ng alis. At ang papa ko naman Audio Man sa Abs cbn. Kaya lagi akong naiiwan kung kanino man pwedeng maiwan. Iisang babae lang kasi ako. May kuya ako pero ang alam ko naglayas daw noon.
Hindi ko matandaan bakit naalala ko pa yung pangyayare na yun. Siguro sa trauma. Pero alam mo yung masakit? Dumaan lang ang mga pangyayare na yun na parang wala lang. Meron akong hinanakit sa puso ko nun pero mabait akong anak eh kaya hinayaan ko kasi feeling ko matagal na rin naman bakit pa ibibigdeal. Lumipas ang panahon nawalan ng trabaho ang papa ko. So siya na nagalaga samin noon pa man. Hanggang sa ng nagelementary ako syempre lumalaki na ko. Nakaramadam na ko ng hindi magandang pagtrato sakanya. Dumating sa point na minumulestya na niya ko. Tuwing nakainom siya kung ano anong pambabastos ginagawa niya. Talagang pinupuntahan niya pa ako sa kwarto.
Ama na dapat nangangalaga sa anak, nagtatanggol at nagmamahal. Pero hindi yan ang naranasan ko kundi pambabastos lang.
Si nanay, nanay ni papa lagi niya kong tinatanong noon tuwing uuwi siya saamin galing probinsya, “Sinong papa mo?” Syempre ang lagi kong sagot edi si papa. Dumating na sa point na naiirita na ko sakanya kasi parang inaasar niya ko. Pati rin ang lola ko na mama ni mommy. May mga kwento siyang sinabi saakin na hindi ko daw totoong ama si papa. Andaming gumugulo sa isip ko. Kung ano anong saring kwento napaka gulo na hindi ko malaman kung ano ang totoo. Pero hindi ako nagpadala.
Grade5 ako. Nalaman ko ang totoo. Si mommy nagsabi na mismo na stepdad ko siya. Masakit. Sobrang sakit. Halos madurog yung puso ko nung nalaman ko yun, kaya pala puro pambabastos lang ang naranasan ko sa pamilya nila! Ang sakit. Sobrang sakit. Galit na galit ako kay mama kasi feeling ko kasalanan niya lahat. Hindi niya ko inalagaan mabuti. Katatrabaho niya hindi na niya alam nangyayare sakin. Nag iisang babae pa naman ako. Tapos puro lalaki pa mga kapatid ko.
Namatay ako ng kapatid grade4 ako. Dahil sa cancer. Sobrang sakit dahil mahal na mahal namin yun at nasaksihan ko yung sakit na pinagdaanan niya. Mga gabing pagdadalaw ako ng hospital ayaw niya kong umuwi. Hawak ng lang kamay ko. Ang sakit bilang ate dahil wala akong nagawa. Lahat na ng santo natawag na namin noon pero namatay parin siya
Pero nanalig lang ako kay Lord. Naging relihiyoso ako simula grade5. Muntik na kasi akong mabaliw noon. Grade6 - sinabi sakin na uuwi na ang daddy ko sa graduation ko pero wala ako naasahan ni anino. Sobrang galit na galit ako sakanya nun. Mama ko lang umattend pati baby brother ko, kapapanganak lang kasi ulit ni mama.
Nung nag highschool na ko. Namulat ako sa totoong buhay. Nawala ang lahat. Yung babaeng maria clara na naging magdalena, mabait, maunawain at mapagmahal na tao at anak nawala. Sari saring kasalanan ang nagawa ko. Panloloko sa lalaki. Pinaiikot ko lahat dahil alam kong maganda ko. Puro panggagamit ang ginawa ko. Hindi ako masise ng ibang taong nakakakilala sakim dahil na rin siguro sa hustisyang gusto ko.
Matalino ako pero tamad. Na dating honor ngayon bagsak.
14 yrs old ako. Gabi na. Niyaya nila mama,tita at kuya akong dumalaw sa patay. Una ayoko pa pero pinilit nila ko. Tanong ako ng tanong kung sino, saan, bakit kasama pa ko. Puro basta lang sagot nila. Hanggang sa dumating kami. Nakita ko na yung lalaking matagal ko ng pinapangarap na makita. Lalaking gusto ko ng mayakap. Ang daddy ko Burol pala ng lola ko ang pinuntahan namin. Halong emosyon ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Akala ko simula na ng kwento naming mag-ama yun pero wala yun na una at huling pagkikita namin. Dumaan ang taon walang nangayare. Hindi manlang siya nagpakatatag na humarap sa mama ko. Kahit pa iniwan niya kami noon at pinagpalit sa ibang pamilya. Bumabawi ako ng 3rd year, nagpakabusy ako sa pag-aaral. Pero nakaranas naman ako ng pambubully. Lahat ng klase ng taong plastic, mang-aagaw, sinungaling, storymaker, backstabber at goldigger na kaibigan naging mga kaibigan ko. Named it. Maniwala ka sakin. Lahat yan sila, isa-isa. Sirang sira ako dahil puro paninira at pagdudusa ang dinanas ko sa kanila, na akala kong mga kakampe ko, hindi pala. Kaya di rin nagtagal bumalik nanaman ako sa pagiging masamang tao. Nasubukan ko ang alak, yosi pero ako yung tao na hindi madaling maimpluwensyahan kaya hindi ko naging bisyo yun. Tinikman ko lang. Hanggang sa makagraduate ako ng junior high.
Senior high na. Akala ko magiging maligaya na ang lahat pero hindi pala.
Lastyear 2017. Ang taon na hindi ko makakalimutan. Taon na dapat wala na ko pero dahil lang talaga sa mahal ako ni Lord at may purpose pa ko kaya nandito pa rin ako, nagbibigay ng testimony ko sainyo.

[Image: Untitled.png]
Reply




Users browsing this thread: 1 Guest(s)